PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PDEA, bigong maglabas ng ebidensiya vs BOC-CIIS

Sa P6.4-B shipment ng shabu

MANILA, Philippines — “ Half -truth and outright lies” . 

Ito ang  binigyan diin ni  dating  BOC-CIIS Chief Col. Neil Anthony  Estrella matapos na mabigo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makapagprisinta ng matibay na ebidensiya sa Department of Justice (DOJ) laban sa kanila kaugnay sa P6.4 bilyon shipment ng shabu noong Mayo.

Ayon kay  Estrella, naniniwala siya na mapapawalang sala ang mga kinasuhan sa naturang drug shipment , maging ang broker na si Mark Taguba.

Hindi umano napatunayan ng PDEA na ang mga CIIS personnel na kinasuhan ay sangkot sa drug shipment na dumaan sa BOC tulad ng ‘claim’ ni PDEA Agent Norman Balquedra sa kanyang ‘reply” sa counter affidavit ng BOC officials noong Nobyembre 3.

Kaugnay nito, sinabi ni Estrella na tinatanggap nila ang plano ng Ombudsman na imbestigahan ang kaso ng drug shipment at naniniwala siya na maiimbestigahan ito nang parehas.

Inakusahan rin ni Estrella si  Balquedra at dating PDEA Deputy Director Wilkins Villanueva ng perjury dahil sa kanilang mga pahayag sa congressional panel na nag-imbestiga sa drug shipment at sa kanilang complaint affidavit sa DOJ.  Nakatakda  nilang sampahan  ng kaso ang mga ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nanindigan si  Estrella na lehitimo ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng BOC-CIIS  matapos makatanggap ng tip noong gabi ng Mayo 25 na may paparating na shipment ng shabu at maging ang may -ari ng bodega  na  si Richard Chen  ay lumagda ng waiver na pumapayag sa inspeksiyon ng shabu shipment.

Pinasinungalingan rin ni Estrella ang alegasyon ng PDEA na pinatakas nila si Cheng,gayundin ang hindi umano pagsasampa ng kaso sa mga sangkot dahil Agosto pa lamang ay naisampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: