PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MMDA magpapatupad ng ‘window hours’ sa trucks at closed vans sa ASEAN

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “window hours” para sa mga truck at closed vans na apektado sa truck ban habang nagaganap ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Sinabi ni Emmanuel Miro, head operations of the MMDA task force ASEAN, nabatid na ang mga  truck at  closed vans ay pwedeng bumagtas sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at  North Luzon Expressway (NLEX)  mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga lamang kahit may truck ban.

Subalit pag lumagpas na aniya ng alas-4:00 ng umaga ay huhulihin na ang mga ito.

Ito ay mula sa Nobyembre 13 hanggang 15 para ma-minimize aniya ang epekto ng truck ban sa ASEAN Summit.

Nabatid, na magpapatupad ng truck ban ang MMDA mula November 11 hanggang 15 sa  SCTEX, NLEX at EDSA dahil inaasahang dadaaan dito ang mga delegado ng  ASEAN Summit.

Pinaliwanag nito na hindi sila magpapatupad ng “window hours” ng Nobyembre 11 at 12 dahil ito ang pagdating ng karamihan sa mga delegado.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang naturang “window hours” aniya ay bunsod sa naging kautusan sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte para hindi maapektuhan ang publiko, kaya umano nag-minimize din sila ng road closure sa panahon ng ASEAN Summit.

 Ayon pa kay Miro, ilan aniya sa mga senior officials, ministers at iba pang mga official ay nagsimula ng dumating sa bansa kahapon ng umaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: