PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MRT-3, strike 3 sa aberya!

MANILA, Philippines — Naka-strike 3 ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang tatlong ulit na magkaaberya ang mga tren nito kahapon, na ikalawang araw pa lamang nang pamamahala dito ng Department of Transportation (DOTr) matapos na kanselahin ang maintenance contract sa kanila ng Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Ang tatlong aberya ay naganap kahit pa una nang sinabi ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez na pipili lamang sila ng mga ‘reliable’ na tren na pabibiyahihin upang matiyak na wala nang aberya pang magaganap para sa kaligtasan na rin ng kanilang mga mananakay.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang tatlong aberya ay magkakasunod na naganap dakong alas-6:32 ng umaga sa Quezon Avenue northbound station; alas-7:38 ng umaga  sa Cubao station northbound at alas-9:19 ng umaga sa southbound naman ng Guadalupe-Buendia Station.

Paliwanag naman ng MRT-3, pawang problemang teknikal ang dahilan ng mga naturang aberya.

Humingi naman ito kaagad ng paumanhin sa riding public, na pinababa nila ng mga tren at walang nagawa kundi maghintay na lamang ng susunod na tren na siyang naghatid sa kanila sa kanilang destinasyon.

Umabot naman sa category 3 ang status ng tatlong aberya, na nangangahulugang inalis sa linya ang mga nagkaaberyang tren ng walang kapalit.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Noong Lunes ay matatandaang tuluyan nang kinansela ng DOTr ang maintenance contract ng BURI dahil sa pagkabigo nitong masolusyunan ang halos araw-araw na pagkakaaberya ng mga tren ng MRT-3, kung saan ang pinakahuli ay ang naganap na pag-usok ng isang bagon nito, kaya’t napilitang magsibabaan ang mga pasahero sa riles ng tren.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: