PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Traffic enforcer nanita ng tandem, binaril

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang lokal na traffic enforcer makaraang pagbabarilin ng riding in tandem na sinita ng biktima dahil sa kawalan ng helmet, kahapon ng umaga sa Navotas City.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang nakilalang si Alvin Garcia, 43, miyembro ng Navotas City Traffic and Parking Management Office at residente ng Brgy. Navotas West. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa katawan buhat sa pamamaril ng dalawang hindi nakilalang salarin na tumakas sakay ng isang Enduro type na motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng clearing operation sa mga nakahambalang na sasakyan sa may Virgo Drive sa H. Lopez Street, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ang mga tauhan ng CTPMO nang mapansin ni Garcia ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo na kapwa walang suot na helmet.Pinara ni Garcia ang mga biktima at hiningi ang lisensya ng driver na hindi mailabas ng suspek. Nang titikitan na ni Garcia ang mga suspek dahil sa mga traffic violations, dito na naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang bahagi ng katawan. Binaril rin ng mga suspek ang isa pang enforcer na si Norberto Villanueva na masuwerteng hindi tinamaan.

Kinondena naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pamamaril sa kanyang tauhan at ipinag-utos sa Navotas City Police ang masusing imbestigasyon upang madakip ang mga salarin. Ito’y makaraang makatakas ang mga gunmen sa kabila ng ipinagmamalaking police visibility ng pulisya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: