PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rider na drug courier, timbog sa shabu at P350K na ‘drug money’ sa checkpoint

Huli ang rider na si Bernhard Gagarin (kaliwa) na sinasabing isang drug courier kung saan nasamsam sa kanya ang ilang gramo ng shabu at drug money. Boy Santos

Dahil walang helmet

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, nadakip ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider, na isa palang drug surrenderee at drug courier, sa isang checkpoint sa Quezon City kahapon ng umaga, na magre-remit sana ng P350,000 na hinihinalang ‘drug money’ mula sa isang drug supplier.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar ang suspek na si Bernhard Gagarin, 37, tricycle driver, at residente ng 6B Tiburcio Extension, Brgy. Krus Na Ligas, Quezon City.

Batay sa ulat, si Gagarin ay nadakip ng mga tuhan ng QCPD-Station 5 (Fairview) dakong alas-8:40 ng umaga kahapon nang mapadaan sa checkpoint sa Bristol St., sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Nauna rito, nagsasagawa umano ng checkpoint ang mga pulis nang parahin ng mga ito si Gagarin, habang sakay ng isang Suzuki motorcycle ( KM 3967), dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, na paglabag sa Republic Act 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009).

Bigo rin umano si Gagarin na makapagpakita ng mga dokumento ng sinasakyang motorsiklo at nang kapkapan ito ng mga pulis ay nahulihan pa ng isang sachet ng shabu at P350,000 na cash.

Natukoy din ng mga pulis na ang suspek ay isang drug surrenderee ng Brgy. Krus Na Ligas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa interogasyon, umamin ang suspek na isa rin siyang drug courier at nang madakip siya ng mga pulis ay magre-remit sana siya ng pera sa isang alyas Anok, na hindi pa tukoy ng mga pulis ang tunay na identidad.

 Si Gagarin ay nakatakdang i-turnover ng mga pulis sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang disposisyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: