PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 Nigerian timbog ng PDEA

Miyembro ng African drug syndicate

MANILA, Philippines — Dalawang Nigerian, na hinihinalang miyembro ng ‘African drug syndicate’ na sinasabing nagpapakalat ng shabu sa ilang lugar sa Metro Manila at Region 4-A, ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa pagkakakum­piska ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon, sa ikinasang buy-bust operation sa Kawit, Cavite kahapon.

Iprinisinta sa media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga suspek na sina Solomon Anochiwa, 34, at Desmond Ozoma, 34, at kapwa residente ng Better Living Subdivision, Parañaque City.

Nadakip aniya ang mga ito dakong alas-3:00 ng mada­ling araw kahapon sa kanilang pinagkukutaan sa Kawit, Cavite.

Bago naaresto ang mga dayuhan, unang nadakip ng PDEA ang apat na Pinoy drug suspects sa isang drug ope­ration sa Naga City ng PDEA Region 5 noong Enero 4.

Sa interogasyon, ikinanta ng mga suspek ang mga dayuhan na siya umano nilang source ng ilegal na droga.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang PDEA laban sa mga dayuhan, kung saan isang asset nila ang nagpanggap na poseur buyer, at bumili ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaagad na pinosasan ang mga dayuhan matapos na tanggapin ng mga ito ang marked money.

Sa natanggap umanong impormasyon ng PDEA, lumilitaw na ang mga suspek ay miyembro ng African drug syndicate na kumikilos sa Metro Manila, at may malaking operasyon sa Naga City at mga karatig na lalawigan hanggang Region 4-A.

Sa datos ng PDEA, 1960s pa nagsimulang mag-operate ang naturang sindikato sa bansa. Sa pagkakadakip anila ng PDEA sa dalawang dayuhan, ay umaabot na sa 98 ang Nigerian nationals na ang naaaresto nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: