Vendors sa Roxas Blvd. winalis
MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit, nagsagawa ng puspusang clearing operation ang pinagsanib ng pwersa na Manila Task Force Clean Up, Department of Public Safety, Park and Devt. Office at Manila Traffic Parking Bureau.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, kailangan na tulungan ng city government ang administrasyon ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga lugar na pupuntahan ng mga head of states.
Inutos ni Estrada ang paglilinis sa kahabaan ng Baywalk Roxas Blvd. Roxas Blvd Service Roads, TM Kalaw, UN, Padre Faura, Pedro Gil, Quirino Avenue, Vito Cruz, Lawton sa paligid ng Manila City Hall at Malate at Ermita Manila.
Aniya, ito ay para na rin sa seguridad ng mga lider ng bansa na kasama sa summit at posibleng mamasyal sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Dagdag pa ni Estrada, ito rin ang dahilan kung kaya’t inaayos niya ang mga vendors sa Maynila upang hindi maging ‘eye sore’.
Samantala, patuloy din ang ginagawang rescue ng city hall sa mga palaboy sa lungsod.
- Latest