PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PSPG dumipensa sa pagbibigay ng escort sa anak ng drug queen

MANILA, Philippines — Hindi namin alam na anak siya ng drug queen!

Ito ang mariing depensa kahapon ni PNP-Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) Director P/Chief Supt. Joel Crisostomo Garcia sa kuwestiyonableng pagkakaloob ng security escort sa negosyan­teng si Dianne Yu Uy, anak ng tinaguriang drug queen.

Ang ina ng 40-anyos na si Dianne na kinilalang si Yuk Lai Yu, alyas Yuk Lai at Anna Sy Balmeo, 72, inmate sa Correc­tional Institution for Women sa Mandaluyong City dahil sa kasong drug trafficking noong 2000  pero sa kabila nito ay  na­kakalabas ang mga ito sa kulungan dahilan umano sa pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal ng nasabing piitan.

Nabatid na sa magkahiwalay­ na greyhound operations nitong­ Lunes ay nakumpiskahan ng PDEA ang maghigitsa P21 milyong halaga ng shabu.

Ayon kay Garcia, ang pagta­talaga kay PO3 Walter Vidal bilang security escort ni Diane ay matapos namang maaprubahan ang kahilingan nito noong 2011 hanggang 2015.

 Batay sa kanilang rekord, sinabi ni Garcia, noong 2006 si Diane Uy ay naging biktima ng kidnapping for ransom ngunit tumanggi naman magbigay ito ng karagdagan detalye kung saan nag-aaply o nag-request ng security escort para sa kanyang proteksyon o seguridad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang kahilingan ni Diane Uy ay pinagbigyan matapos na magsagawa ng assessment ang Directorate for Intelligence hinggil sa banta sa seguridad o buhay ng negosyante na noon ay wala pang kriminal na rekord.

Iginiit ni Garcia na walang pagkakamali sa pagsasagawa ng assessment dahil hindi naman kumpleto background check ang ginawa bagkus ang kumpirmasyon lang sa banta sa buhay ni Diane.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia­ na inilagay na sa floating­ status si Vidal habang patuloy ang isinasagawang imbestigas­yon upang matukoy kung mayroon kinalaman ito sa illegal na operasyon ng kanyang VIP o ni Uy.

Binigyang diin ng opisyal na dapat ay alam ng mga iti­na­­la­gang police escort ang ka­nilang pananagutan kapag na­tuklasang may illegal na akti­bidades ang mga VIP na kanilang bina­ban­tayan.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: