PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MMDA magde-deploy ng mga bus

Sa maaapektuhang pasahero ng MRT

MANILA, Philippines — Sinabi ng Metropolitan Ma­nila Development Authority­ (MMDA) na magde-deploy sila ng mga bus na siyang magbi­bigay ng sakay sa mga pasa­hero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 para sa limitadong ope­rasyon nito.

Ayon kay Tim Orbos, MMDA General Manager, inu­upuan na nila  ng  Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at  Department of Transportation  (DOTr) para aniya maibsan ang shortage train operations.

“Part of the preparation is the help of the private sector, particularly bus companies to be tapped,” sabi ni  Orbos.

Ayon kay Leah Quiambao, DoTr Assistant Secretary for Communications, ang ka­nilang itatalagang mga bus  ay siyang magbibigay ng alter­natibong transportasyon sa mga maaapektuhang pasa­hero ng MRT 3.

Ito ay matapos ngang i-ter­minate noong Lunes (Nob­yembre 6) ng pamunuan ng DOTr ang kontranta ng Busan Universal Rail Inc. (BURI), ang maintenance provider ng MRT 3 dahil sa hindi aniya maayos na serbisyo nito, na isa sa nakikita nilang dahilan kung bakit madalas ang aberya sa operayon nito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: