^

Metro

Drug courier sa mga iskul, tututukan ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinututukan ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bagong modus ng mga drug pusher na sinasabing nag-eenrol sa mga kilalang paaralan at unibersidad sa bansa para lamang makapagbenta ng ipinagbabawal na droga sa mga mag-aaral.

Sa impormasyon na nakarating kay  PDEA Director, General Aaron Aquino, mas madali umanong makapagbenta ng droga ang mga drug pusher sa mga estudyante sa loob mismo ng mga paaralan kaya nag-eenrol ang mga ito.

Ayon kay Aquino, nag-eenrol bilang estudyante ang mga drug courier para mas madali silang makalapit sa mga kabataang mag-aaral at makakuha ng kanilang mga parokyano.

“They have a point man na pinakakalat sa mga colleges and universities, itong point man nila, ang ginagawa ay naghahanap ng mga estudyante na mapagbebentahan ng droga” sabi ni Aquino.

Sinabi ni Aquino, mismong sa naaresto nilang si Dennis Ray Thieke, 37, isang Filipino-American, at residente ng Unit 2104, 21st  Floor, Eugenia Tower, Tivoli Garden Residences, Coronado Street, Brgy. Hulo, Mandaluyong City nanggaling ang kanilang impormasyon.

Bunsod nito, kaagad na inataasan ni Aquino ang kanyang mga tauhan na bantayan din ang mga pamantasan at makipag-ugnayan sa mga school official upang hindi na makapambiktima pa ng mga estudyante.

Magugunita na ang condominium ni Thieke ay ginagamit nitong drug den at nagsisilbi ring laboratory niya sa paggawa ng capsulized ecstasy na isang party drug.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with