^

Metro

MRT-3, tumirik ng dalawang beses

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagmamadali ng mga pasahero at pag-ambon na nararanasan sa Metro Manila ay walang magawa ang mga pasahero kundi bumaba ng tren makaraang dalawang beses na naman tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3, unang nagpababa ng mga pasahero ang isa nilang tren sa northbound ng Ayala Station dakong alas- 10:35 ng umaga, na naulit pang muli dakong alas-12:10 ng tanghali, sa southbound naman ng Cubao Station.

Parehong technical problem ang itinuturong dahilan ng magkasunod na aberya.

Ayon sa MRT-3, umabot ng Category 3 ang status ng naturang aberya na nanga­ngahulugang inalis ang tren sa loob ng walang kapalit.

Wala namang nagawa ang mga pinababang pasahero kung hindi maghintay at sumakay na lamang ng susunod na tren upang makarating sa kani-kanilang destinasyon.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with