^

Metro

EDSA isasara mula Nov. 11 hanggang 15

Robertzon Ramirez - Pilipino Star Ngayon
EDSA isasara mula Nov. 11 hanggang 15

Ayon kay Emmanuel Miro, head ope­rations MMDA task force ASEAN na inilaan nila ang dalawang innermost lanes ng EDSA bilang ASEAN lanes, nangangahulugan na hindi papayagan ang mga motorista na gamitin ang kalsada hanggang sa makaraan ang huling sasakyan ng convoy. File

MANILA, Philippines — Simula sa susunod na Sabado, pansamantalang isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ka­habaan ng EDSA para bigyang daan ang convoy ng mga delegado sa ASEAN Summit hanggang sa Nobyembre 15.

Ayon kay Emmanuel Miro, head ope­rations MMDA task force ASEAN na inilaan nila ang dalawang innermost lanes ng EDSA bilang ASEAN lanes, nangangahulugan na hindi papayagan ang mga motorista na gamitin ang kalsada hanggang sa makaraan ang huling sasakyan ng convoy.

“Tatlong lanes ang ipagagamit sa mga motorista sa EDSA, gayunman, kapag may dadaan na convoy, stop lahat ang service road, mga intersections, nangangahulugan na clear talaga ang EDSA sa mga sasakyan. Walang kasabay ang convoy, wala siyang katabing sasakyan”, dagdag pa ni Miro.

Idinagdag pa nito na ang southbound area ng ASEAN lanes ay isasara sa trapiko mula Nobyembre 11 hanggang 13, habang ang northbound lanes naman ay isasara mula Nobyembre 13 hanggang 15.

Magbibigay pa sila ng impormasyon   kung anong oras isasara ang EDSA  sa mga nabanggit na araw.

Nilinaw din ni Miro na ang convoy ay tata-tagal lamang ng lima hanggang sampung minute dahil inaaasahang tatakbo ang mga sasakyan nito ng nasa 80 hanggang 100kph  at ang mga kalsada ay isasara sa ilang oras sa bawat araw, at bubuksan naman ang ASEAN lanes sa mga motorista pagkatapos na makadaan ang mga bisita.

Libong mga MMDA traffic enforcers ang ikakalat sa magaganap na ASEAN Summit kabilang dito ang nasa 500 enforcers sa EDSA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with