^

Metro

Kelot tinodas sa saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 27-anyos na lalaki nang saksakin ng hindi pa kilalang salarin sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Marvin de los Reyes, re­si­den­te ng Barangay .65, Zone 18, District 5, 15th St., Port Area, Maynila,

Patuloy pang inaalam  ang pagkakakilanlan ng sus­pek na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt na may usang pipe stripe na puti, kulot ang buhok, nasa 5’2 hanggang 5’4 ang taas, maitim, na tu­makas dala ang patalim na ginamit.

Sa ulat ni PO3 Ryan Ba­lagtas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insi-dente sa harapan ng  Billeza Trucking, sa parking area na matatagpuan sa Francisco Magallanes St., Harbour  Center, sa  Road  10, Tondo.

Sinabi ng isang testigo. nakarinig siya ng komosyon at nagmamakaawang boses ng lalaki na nagsasabing “Ayoko pang mamatay, ayoko pang mamatay”.

Tinungo niya ito at naka­salubong pa ang suspek na may hawak na patalim kaya tinanong niya umano ng “Boss ano nangyari? Na sinagot naman siya ng pagalit na “Ang mga sira ulo pinapatay, pinapatay! Natakot ang testigo  kaya umalis siya upang umiwas habang ang suspek ay umalis na rin sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with