^

Metro

Mag-asawa pinasok: Misis patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Pinagbabaril sa harap ng anak

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis habang malubhang nasugatan ang mister nito matapos silang pasukin at pagbabarilin sa harap ng kanilang menor-de-edad na anak ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

 Hindi na umabot pang buhay sa FEU Hospital ang biktima na si Myla Matore, 44, habang inoobserbahan ang mister nitong si Randy, 45, pawang sa Block 4, Lot 23 Row House 2, Pilot Drive, QC.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Nelson Sarmiento, dakong alas-11:00 ng gabi nang pasukin ng dalawang lalaki ang tahanan ng mag-asawang Matore at pagbabarilin sa harap ng kanilang anak na 16-taong gulang na si Reyden.

Kuwento ni Reyden, natutulog na sila nang kumatok sa pintuan ng kanilang bahay ang dalawang suspek na nagpakilalang mga taga-barangay at sumigaw ng “Matore, Matore, taga barangay kami, buksan mo ang pinto may kailangan lang kami.”

Aniya, tumayo ang kanyang ina at bahagyang ini-awang ang pinto pero agad na binaril ng mga suspek at ang kanyang ama na noon ay akma pa lamang na tatayo sa pagkakahiga.

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang papalayo sa lugar ang dalawang suspek na kapwa naka-maskara at itim na rain coat habang isinugod sa ospital ang mag-asawa.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang QCPD para makilala, madakip ang mga suspek at mabatid ang motibo sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with