^

Metro

Batang-kalye huwag limusan - Erap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod na rin ng papalapit na Kapaskuhan, nanawagan si Manila Mayor Joseph Estrada sa publiko na huwag limusan o magbigay ng pera sa mga batang-kalye, kabilang na ang mga nangangaroling dahil karamihan umano sa kanila ay pinambibili lang ito ng droga at solvent tulad ng rugby.

Ayon kay Estrada, inaasahan na ang pagdami ng mga batang-kalye sa lansangan upang manghingi ng limos at aginaldo o pamasko sa mga motorista at pedestrian. Aniya, hindi nakakatulong ang paglilimos bagkus ay mas lalo nitong sinasadlak ang mga batang kalye at rugby boys sa addiction.

Lumilitaw na mataas pa rin ang bilang ng mga batang-kalye na adik sa solvent tulad ng rugby, cough syrups, glue, acetone, gasoline at maging paint thinner na madaling bilhin sa mga tindahan.

Ayon sa Reception and Action Center (RAC) ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) marami sa mga street children na kanilang na-rescue ay mga substance abusers. Bukod dito, isa pang health issue na aniya’y nakakaapekto sa mga batang-kalye ay ang sexually transmitted diseases (STDs).

Ayon naman kay MDSW chief Nanet Tanyag, ipinapasa nila ang mga street dwellers sa Manila Boystown Complex sa Marikina City na pinamamahalaan ng lungsod kung saan ang mga bata ay pinag-aaral sa Fugoso Integrated School na nagbibigay ng Alternative Learning System (ALS).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with