^

Metro

Taas-presyo sa LPG ngayon

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang magpapatupad ng taas-presyo sa Li­quefied Petroleum Gas (LPG) ang mga oil companies mismo ngayong araw ng Undas, Nobyembre 1.

Ito ay base sa abiso kahapon ng Petron Corporation, na kaninang alas-12:01 ng madaling araw, nagtaas ng P0.30 sa presyo kada kilo ang kanilang Gasul at Fiesta Gas.

Ito ay katumbas ng P3.30 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.

Bukod sa LPG, nagtaas din ng P0.20 kada litro ang ka­nilang Xtend Auto-LPG na ginagamit naman para sa mga taxi.

Inaasahang susunod na ring mag-aanunsiyo ang iba pang oil companies tulad ng Solane at Total sa kaparehong dagdag-presyo ng LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Nabatid, na ang panibagong  LPG price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price nito sa world market.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with