^

Metro

Pulis sa Metro Manila, todo-bantay ngayong Undas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pulis sa Metro Manila, todo-bantay ngayong Undas

Kaugnay ng Undas, nagsagawa ng inspekyon ang kapulisan ng Quezon City sa pangunguna ni QCPD District Dir. P/CSupt. Guillermo Lorenzo Eleazar sa terminal ng bus sa Araneta Center sa Cubao. Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 5,600 pulis at force muiltiplier ang inatasan ng Eastern Police District (EPD) upang magbigay ng seguridad at assistance sa dadagsang tao sa may 15 sementeryo na kanilang nasasakupan ngayon Undas.

Ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, bukod sa mga pulis ay tumulong din sa kanila ang grupo ng Barangay Peacekeeping Action Teams, security guards, medical teams at Barangay Security Force, ang itinalaga niya upang magbantay sa mga sementeryong nasa EPD area of responsibility.

Layunin ni Sapitula na maging ligtas at mapayapa ang pag­gunita ng Undas sa mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan.

Samantala, zero crime naman ang target ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) kaugnay na rin ng pagdadaos ng Undas.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, may kabuuang 23 public, private cemetery at columbary sa kanyang nasasakupan ang mahigpit na ngayong binabanta­yan ng kanyang mga tauhan.

Sinabi pa ni Gen. Eleazar, bukod sa mga unipormadong pulis at mobile patrol unit ay nagtalaga rin siya ng grupo ng mga ‘sikreta’ na pawang naka-civilian na pulis ang kanyang idineploy sa lahat ng sementeryo sa lungsod.

Iniutos din ni Gen. Eleazar sa kanyang mga tauhan na bantayan ang lahat ng vital instalation sa lungsod kabilang ang mga istasyon ng LRT-2, MRT-3, hospital, supermarket, shopping malls, bus terminal, mga tanggapan ng pamahalaan, palengke at iba pang matataong lugar.

Muling ipinaaalala ng kapulisan sa mga mamamayan na pupunta sa sementeryo ang mga bagay na ipinagbabawal na dalhin tulad ng mga nakalalasing na inumin, sigarilyo, mga deadly weapons, tulad ng baril at itak, gunting, illegal na droga, baraha at sound system, na maaaring makaabala sa kataimtiman ng paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with