^

Metro

Paputok, bawal na sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal na sa Quezon City ang mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ay makaraang lagda-an na ni QC Mayor Herbert Bautista ang City Ordinance 2618 na nagbabawal sa paggamit ng anumang uri ng paputok at iba pang pyrotechnic device sa lungsod.

Partikular na pinagbabawal ang paggamit ng paputok sa facade ng QC hall, mga iskinita, open space, major thoroughfares, plaza, basket­ball courts at iba pang kaha­lintulad na lugar laluna sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang sinumang lalabag sa nalagdaang batas ay maaa-ring magmulta ng P5,000 at maaaring makulong ng isang taon.

Ang naturang batas sa lungsod ay mahigpit na ipatu­tupad ng mga barangay officials sa tulong ng mga tauhan ng Public Order and Safety (DPOS) ng QC hall at  QC police.

Ang batas na ito ay magi­ging epektibo sa Nobyembre ng taong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with