^

Metro

Mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
Mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa NAIA

Nagsagawa ng inspeksyon kahapon sa mga terminal sa NAIA si MIAA general manager Ed Monreal (kanan) para seguruhing mahigpit na naipapatupad ang mga inihandang security measures ngayong Undas. Rudy Santos

MANILA, Philippines — Umapela si Manila Inter­national Airport Authority general manager Ed Monreal sa mga pasahero na maging mapagmatyag sa lahat ng oras, huwag magdala ng mga ipinagbabawal na mga bagay at regular na suriin ang impormasyon ng paglipad na ipinapakita upang kumpirmahin ang kanilang flight schedule.

Tiniyak ni Monreal, na ang lahat NAIA terminal ay may nakahandang security measures para maprotektahan ang mga magsisibiyahe.

May mga plainclothes security na nakakalat sa lahat ng terminal para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ngayon.

Nagsagawa si Monreal ng regular na inspeksyon sa NAIA Terminal kahapon ng umaga kasama ang public affairs office chief Connie Bu-ngag, media affairs division chief Jess Martinez, NAIA 3 terminal manager Bing Lina, action officer Danny Chua at ang kanyang chief of staff Rally Austria.

Sinabi ni Monreal, nasisiyahan siya sa preparasyong ginawa ng kanyang mga tauhan sa mga terminal ng paliparan dahil nasa lugar ang mga ito dahil alam nila na dadagsain ng pasahero ang airport ngayon Undas .

‘Except for minor issues like foreigners using so many number of gangchairs to sleep on and unsightly signages from certain airlines, the domestic and international  passengers, ‘ ani Monreal.

Kinausap ni Monreal ang mga pasahero sa NAIA partikular ang mga banyaga na ikinatuwa nila dahil sa maayos, maganda, malamig at napakalinis ngayon ng airport.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with