^

Metro

Gunman ng grade 10 student, huli ng QCPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Gunman ng grade 10 student, huli ng QCPD

Nadakip na ng mga tauhan ng QCPD si  Eric Dalmacio, isa sa dalawang suspect na bumaril at nakapatay  sa isang grade 10 student  sa lungsod kamakailan. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Matapos ang apat na araw na pagtatago ay nadakip na rin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) trackers team ang isa sa riding-in-tandem na sinasabing responsable sa pagbaril at pagpatay sa grade 10 student sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Iniharap kahapon sa    mga mamamahayag ni QCPD Director Chief Supt. Guil-lermo Eleazar ang suspek na si Ferix ‘Eric’ Dalmacio, 30, construction worker na residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Gen. Eleazar, si Dalmacio ay nadakip kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon sa isinagawang follow-up operation ng kanyang tauhan sa Station 3 makaraang magpalabas ng cartographic sketch ang QCPD at makilala ng isang testigo na ang suspek ang siyang bumaril at nakapatay sa biktimang grade 10 student na si Kevin Reantaso, 16.

Lumitaw sa imbestigas-yon ni PO3 Dollente Jerome, may hawak ng kaso na robbery ang motibo ng krimen.

“Kinukuha ni Dalmacio ang cell phone ng estudyante pero pumalag ito, ayaw ibigay at nanlaban kaya siya binaril”, ani Gen. Eleazar.

May kuha rin sa CCTV na hindi planado o intensiyonal na patayin ang biktima pero nanlaban ito kaya napilitan siyang barilin ng suspek.

Sinabi pa ni Gen. Eleazar, kilala na nila ang ka-tandem ni Dalmacio sa tuwing sila ay nanghoholdap pero hindi muna inihayag ang pangalan para hindi masunog ang ginagawang follow-up operation.

Nabatid na una na ring nadakip at nakulong sa himpilan ng pulisya si Dalmacio dahil sa kasong robbery.

Si Dalmacio rin at kasama nito ang pangunahing suspek sa panloloob at panghoholdap sa isang bakery sa Sampaguita St., Brgy. Talipapa, Quezon City.

“Panghoholdap talaga ang lakad nila, katunayan noong madakip si Dalmacio ay tatlong pang cell phone ang nakuha sa kanyang possession at isang kalibre .38 baril”,  pahayag pa ni Gen. Eleazar

Sa ngayon ay nahaharap na sa kasong robbery with homicide ang suspek dahil sa kanyang pagbaril at pagpatay sa biktima, bukod pa ang kasong pagnanakaw na kinakaharap nito dahil sa kanyang panloloob at pagnanakaw sa isang bakery.

Ikinatuwa ng mga magulang at pamilya ni Reantaso ang pagkakadakip sa gunman na kahit hindi pa nailili-bing si Kevin ay mabibigyan na ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

Magugunita na ang biktimang si Kevin Reantaso ay naglalakad papauwi sa kanilang tahanan galing birthday party  nang harangin ng riding-in tandem at patayin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with