^

Metro

Fast food chain hinoldap P.5-M nakulimbat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasok at hinoldap ng tatlong armadong lalaki na pawang nakasuot ng maskara ang isang kilalang fast food chain at natangay ang halos kalahating milyong benta sa Congressional Avenue,Quezon City, kaha­pon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO3 Elmo Caboboy, imbestigador ng Quezon City Police District Station 3, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang maganap ang holdap sa kilalang fast food chain sa kanto ng Congressional Avenue Exten­sion, Brgy. Bahay Toro, sa lungsod. Sinasabing isinasara na ng guwardyang si Jerry Falseco ang pintuan ng fash food nang dumating ang tatlong suspek at agad siyang tinutukan ng baril at mga empleyado, sabay sabing “Pera lang ang kailangan namin”. Pinadapa ng mga suspek ang guwardya at 9 na personnel ng fast food chain at saka mabilis na binuksan ang cash vault.

Nagtagal lamang ng limang minuto ang panlo­loob kung saan natangay ng mga suspek ang mahigit sa P450,000 na kinita ng fast food chain.

Ayon sa empleyadong si Carl Bagante, walang patawad ang mga suspek dahil maging ang kanilang kaga-mitan tulad ng cellphone, wallet at bag ay tinangay din ng mga kawatan.

“Inipon kami sa isang lugar, pinadapa at sinabi-hang walang titingin sa kanila habang hinahalughog at kinukuha ang kanilang mapa­pakinabangan” sabi ni Bagante. 

Matapos ang holdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kulay pu-ting Hi-Ace van at isang  motorcycle na hindi nakuha ang plaka.

Sa ngayon ay nire-review na ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV fast food out- ­let para sa posibleng iden-tification ng mga holdaper.

Maging ang posibleng “inside job” ay tinitingnan na rin ang pulisya dahil sa layuning maresolba, madakip at maipakulong ang mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with