^

Metro

Traffic re-routing sa Maynila sa Undas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula bukas, Oktubre 31 ay ipatutupad na ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang traffic plan at re-routing scheme para sa inaasahang pagdagsa ng mga dadalaw sa apat na malalaking sementeryo sa Maynila..

Sa inilabas na Oplan Ka-luluwa 2017 traffic advisory, alas 12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 31, lahat ng gate ng sementeryo sa lungsod ay hindi na papayagang makapasok ang mga sasakyan. Isasara rin sa mga motorista ang mga kalye sa paligid ng Manila North Cemetery mula alas-12:00 ng hatinggabi ang Nobyembre 1 hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Nobyembre 2  na kinabibilangan ng Aurora Boulevard mula Dimasalang St. hanggang Rizal Avenue; Dimasalang St. mula Makiling hanggang Blumentritt St.; Guevarra mula Cavite St. hanggang Pampanga St.; Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang  Guevarra St.; Retiro St. mula Dimasalang hanggang Blumentritt Extension; at Leonor Rivera St. mula Cavite hanggang Aurora Boulevard.

Magsisilbi namang par-king areas ang Craig, Simon, F. Huertas, Sulu, Oroquieta, at Metrica Sts. na nakapaligid sa Manila North at Chinese cemeteries.

 Kasabay nito, magpapatupad rin ng traffic rerou-ting ang MDTEU para sa mga sasakyan, partikular na sa mga pampasaherong jeepney na patungo sa Manila North Cemetery.

Ang mga behikulong mula Rizal Avenue/Blumentritt ay maaaring dumaan sa Cavite, kanan ng L. Rivera o Isagani at kanan ng Antipolo St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga magmumula na­man sa Amoranto St., Que­zon City ay maaaring kumanan sa Calavite St. at sa Bonifacio St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyang mula sa Dimasalang ay dapat na kumanan ng Makiling at kanan ng Maceda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with