^

Metro

‘Nose-in, nose-out’ policy sa bus terminal ipatutupad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga bus companies lalo na sa Edsa ang pagpapatupad ng “nose-in, nose-out policy” ngayong Undas dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Sinabi ni MMDA supervising officer Edison Nebrija, na nakipagpulong na sila sa mga management ng mga bus companies kasama ang mga police commanders sa may Edsa-Cubao bus terminals para plantsahin ang aksyon upang maiwasan ang “gridlock” dahil sa pagdagsa ng mga pasahero.

Binabantayan ng MMDA ang mga iligal na pagsakay sa Edsa ng mga bus lalo na’t binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga city buses na bumiyahe patungo sa mga probinsya.

Kabilang sa ipinaalala ng ahensya sa mga bus companies ang pagbabawal sa pagparada sa Edsa, ang “drof-off” at pick-up points ay dapat sa loob ng mga terminals, at “nose-in, nose-out policy” sa pagpasok at paglabas sa terminal ng mga bus.

May mga nakabantay umanong tow trucks sa mga Edsa na hihila sa mga sasakayan na gagawing terminal ang Edsa.  Bukod dito, pinaghuhuli na rin umano ng MMDA ang mga tricycle na pumapasada maging sa Edsa habang binuksan na rin ang New York St.  palabas ng Edsa.

Samantala, nasa 2,900 tauhan naman ang ikakalat ng ahensya sa Undas sa pagbabantay sa trapiko at sa mga sementeryo. Tinatayang nasa 17 mga semen-teryo ang siniserbisyuhan ng MMDA kada Undas.

Ngunit hindi katulad noong nakaraang taon, ta-nging mga kalsada patungo sa mga sementeryo ang lilinisan at tatanggalan ng obstruksyon ng MMDA at hindi na maglilinis sa loob ng mismong sementeryo.  Ito ay dahil sa kapos umano ang kanilang mga tauhan ngayon lalo na’t nakatutok rin sila sa darating na ASEAN Summit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with