^

Metro

20 bahay naabo sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
20 bahay naabo sa sunog

Pinagtulungang iligtas ng mga bumbero ang isang aso mula sa isang bahay na nilalamon ng apoy sa naganap na sunog sa Santiago St., Paco, Maynila kahapon ng umaga. Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na lamunin ng apoy ang may 20 kabahayan sa naganap na sunog sa isang residential area sa Paco, Maynila kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Manila Fire Department, dakong alas 8:58 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Rosalinda Aboleda na matatagpuan sa no. 1238 H. Santiago St., malapit sa panulukan ng Pedro Gil St., Paco, sakop ng Barangay 684.

Dakong alas 9:24 nang ideklarang nasa 4th alarm na ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga kabahayan na pawang yari sa light materials at nahirapan pang apulahin agad ang apoy dahil kinailangan pang tumawid sa creek ang mga bumbero.

Umabot sa 20 bahay ang naapektuhan kung saan nakatira ang nasa 50 pamilya .

Masuwerteng walang naitalang nasaktan o nasugatan sa sunog na tinatayang napinsala ang nasa P100,000 hala-­ga ng mga ari-arian.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog na idineklarang fire under control ng alas-10:18 ng umaga kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with