^

Metro

Tsinoy tiklo sa P.5-M marijuana, ecstasy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tsinoy tiklo sa P.5-M marijuana, ecstasy

Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang Filipino-Chinese o Tsinoy at kaibigan nito sa isinagawang pagsalakay sa kanyang apartment at nakumpiskahan ng halagang P.5-milyong halaga ng marijuana at ecstasy sa Quezon City kamakalawa ng gabi. File

MANILA, Philippines — Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang Filipino-Chinese o Tsinoy at kaibigan nito sa isinagawang pagsalakay sa kanyang apartment at nakumpiskahan ng halagang P.5-milyong halaga ng marijuana at ecstasy sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA, Natio­nal Capital Region (NCR) Director Levi Ortiz ang da­lawang suspek na sina Jerome Cheng, nasa hustong gulang, ng Brgy. Sacred Heart, Quezon City at Philip Angelo ng nasabi ring apartment.

Nabatid na pasado alas-9:00 ng gabi nang isilbi ng mga awtoridad ang search warrant sa apartment ni Cheng.

Ayon kay Dir. Ortiz, isang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation si Cheng makaraang makatanggap ng impormasyon sa illegal na gawain nito at nang maging positibo ang reklamo ay saka isinagawa ang pagsalakay. Hinalughog ng mga awtoridad ang apartment ni Cheng at nakumpis­ka ang ilang sachet na naglalaman ng tableta at kapsula ng ecs­tasy, mga bote na naglalaman ng liquid ecstasy, at isang plastic bag na pinatu-yong dahon ng marijuana.

Sinasabing ibinebenta ni Cheng ang mga nakum-piskang droga sa kanya sa mga high-end bars sa Quezon City.

Napag-alaman na imported o galing pa sa ibang bansa ang mga ecstasy na nasamsam sa apartment ni Cheng.

Hindi naman itinanggi ni Cheng ang pagbebenta ng ilegal na droga pero hindi lahat ng nakumpiska sa kanyang apartment ay pag-aari umano nito. Ipinagtanggol din niya si Angelo at sinabing walang kinalaman ang huli sa kanyang pagtutulak ng droga.

Sa ngayon ay sumasa-ilalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang ilegal na ecstasy mula sa apartment ni Cheng.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with