^

Metro

Tauhan MTPB, itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na nakatuntong sa loob ng bahay ang isang 54- anyos na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang pagba­barilin ng riding-in-tandem habang nasa tapat na ng kani-lang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang kinilalang si Arnel Celis, may-asawa, at residente ng no. 368 Inocencio St., Tondo dahil sa tinamong bala sa ilalim ng kaliwang tenga na tumagos palabas sa kanang pisngi at dalawa pang bala sa likod ng katawan.

Sa ulat ni SPO2 Lester Evangelista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:10 ng maganap ang pamamaril sa biktima sa tapat ng kaniyang bahay.

Sa imbestigasyon, pauwi pa lamang ang biktima na nagmamaneho ng Enduro motorcycle nang pagsapit sa Velasquez St. ay buntutan ng dalawang suspect lulan ng kulay pulang scooter (Honda beat o Rusi brand scooter).

Nang umabot na sa mismong harapan ng bahay ay saka siya pinaputukan ng magkakasunod sa likod at mukha ang biktima.

Bumagsak na duguan sa motorsiklo ang biktima.

Tumakas naman ang mga suspek na inilarawan ang isa na nakasuot na tactical pants ang isa ay nakasuot ng khaki na pantalon, kapwa naka-jacket at kapwa naka-helmet.

Nagulat ang misis ng biktima na si Enriquieta Celis, 54, nang mabungaran ang mister na duguan sa harapan ng bahay kaya agad nila itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with