^

Metro

Holdaper dedo sa parak

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang kilabot na holdaper ang nabaril at napatay ng mga alagad ng batas sa Navotas City, kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan  ang suspect na si Neil Tacy alyas Choco 31, miyembro ng ‘Sputnik Gang’ at residente ng  Baron St. Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Sa imbestigasyon ni Na-votas City Police homicide investigator PO2 Paul Roma, bago ang insidente, sakay ng pampasaherong jeep ang 3rd year college student na si Jemimah Noble, 17 ng alas-4:00 ng hapon nang sumakay din ang suspect pagsapit sa M. Naval St., saka umupo sa tabi ng biktima.

Agad naglabas ng baril ang suspect saka nagdekla-ra ng holdap at sapilitang kinuha ang dalang sling bag ng binatilyo bago tumalon mula sa sasakyan.

Humingi naman ng tu-long ang biktima kina PO3 Miracle Young at PO1 Bien Mayor ng Navotas Police Community Precinct (PCP) 3 na agad namang nagsaga-wa ng follow-up operation hanggang sa maispatan ng mga ito ang suspect malapit sa kanilang bahay.

Nang mapansin ng suspect ang papalapit na mga pulis ay naglabas ito ng baril at tinangkang barilin si PO3 Young kaya inunahan itong paputukan  ni PO1 Mayor.

Narekober sa suspect ang replica ng Beretta .9mm pistol at ang sling bag ng biktima na naglalaman ng cell phone, modem wifi, makeup, contact lens kit at cash na P11,000.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with