^

Metro

Bus terminal sa Cubao, dinadagsa na ng mga pasahero

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bus terminal sa Cubao, dinadagsa na ng mga pasahero

Lalong dumagsa ang mga pasaherong magsisiuwian sa kanilang mga lalawigan nga-yong Undas sa Araneta Bus terminal sa Cubao, Quezon City. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Dinadagsa na ng maraming bilang na pasahero ang Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City na magsisi-uwi sa kani-kanilang mga probinsiya para sa paggunita ng Undas.

Ang Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ang siyang pangunahin at malaking bus terminal sa Metro Manila.

Nabatid na madaling araw pa lamang kahapon ay nakapila na ang maraming pasahero dto.

Ang Dimple Star na may biyaheng, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique ay marami na ang nagpapa-booked ng kanilang biyahe. Gayundin sa Mega Bus Line biyaheng Tagbiliran, Bohol, Catarman at Tacloban.

Nagpatupad na ng mahigpit na seguridad ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa lahat ng bus terminal kung saan ibinubusisi ang bawat dalang bagahe ng mga pasahero.

Inaasahan ng mga awtoridad mas madadagdagan pa ang bilang ng mga pasahero sa naturang terminal bukas, October 30, at sa Martes October 31 na idineklarang special non working holiday.

Umaapela si QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa riding public na huwag magdala ng deadly weapon upang hindi na maabala sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with