^

Metro

Pag-post sa social media sa Undas posibleng ikapahamak – MPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Manila Police District (MPD) sa mga Manilenyo na iwasan ang pagpo-post sa social media ng kanilang mga aktibidad at lokasyon ngayong Undas lalo na ang ‘updates’ at ‘live’ sa Facebook para sa seguridad.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) spokeperson,  Supt. Erwin Margarejo na hindi dapat ipaalam sa ibang  tao ang lokasyon at kung sinu-sino sa miyembro ng pamilya ang kasama dahil sasalamin ito sa kung may naiwang tao sa tahanan na maaaring samantalahin ng may masamang balak tulad ng panloloob o ng mga kawatan.

Ilan din ang nakagawian na mag-iwan ng sulat sa labas ng pintuan o sa gate na nagsasabing walang tao sa bahay.

Ngayong panahon ng Undas ay karamihang dumadalaw sa mga kaanak at sa sementeryo ang pami-pamilya at ang iba ay umuuwi pa sa mga lalawigan o dumidiretso sa mga pasyalan.

Mas mabuting ibilin sa mga pinagkakatiwalaang kapitbahay, kaanak o opisyal ng barangay kung hindi maiiwasang walang maiwan sa bahay.

Tutok naman ang MPD sa apat na malalaking libi­ngan sa lungsod partikular sa Manila North, Manila South, La Loma Cemetery at  Chinese cemeteries na dinadagsa ng milyong tao.

Paalala naman ni MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na tulad ng mga nakaraang paggunita ng Undas, iwasan ang pagbibitbit ng mga ipinagbabawal sa pagtungo sa sementeryo tulad ng patalim at iba pang uri ng armas at gamit na maaa-ring gamitin sa karaha­san, baraha at iba pang paraphernalia sa pagsusugal, kalan, mga maiingay na bagay gaya ng gitara, radio, speaker at karaoke.

Hindi rin pinapayagan ang pagdadala ng kalan.

Ani Coronel, mula Okt.  27 hanggang Nob. 2 ay nakadeploy ang nasa 1,800 kapulisan para sa mobile, foot patrol at checkpoints.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with