^

Metro

MPD tiwalang maisusulong sa korte ang pagpatay kay Atio

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang Manila Police District (MPD) na mai-susulong na ang kaso sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III kasunod sa pagbibigay ng testimonya ng isa sa 37 suspek na si Aegis Juris fraternity member Marc Anthony Ventura.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Supt. Joel Coronel, malaki ang maitutulong sa kaso ng binigay na pahayag ni Ventura at naniniwalang gugulong na ang hustisya.

 “Hopefully, the DOJ will resolve the case favorably and the case will be filed in court,” pahayag ni Coronel sa isang panayam.

Sa press statement naman ni Manila Mayor Joseph Estrada, na dapat ay kilalanin at dalhin sa korte ang lahat ng mga posibleng sa-larin kaugnay sa sinasabing pitong hindi pa nakikilalang suspek.

Kabilang na rito ang tatlong miyembro ng Regina Juris sorority na sinasabing nandoon sa lugar na pinangyarihan ng hazing rites.

Sa testimonya ni Ventura na isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI), idinetalye niya kung paano pinagtulung-tulungan ng 10 miyembro ng fraternity si Castillo sa loob ng Aegis Juris library noong hatinggabi hanggang madaling araw ng Setyembre 17.

Pinangalanan din niya ang ilang mga ka-‘brod’ niya na lumahok sa initiation.

 Una nang sinabi ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na base sa pahayag ni Ventura, malakas na ang tsansang pormal nang makakasuhan sa korte ang mga suspek.

Samantala, inamin ni Co-ronel na wala silang direktang ebidensya laban kay UST Civil Law Dean Nilo Divina na may kinalaman siya sa hazing.

“With Divina as of now, there is no direct evidence that he was directly involved in the hazing,” ani Coronel.

“According to Atio’s family,  Divina was aware (of the incident) and  he failed to exercise diligence. That’s according to the family,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with