^

Metro

Motorista dedo sa karnaper

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking motorista nang barilin ito patalikod ng hindi pa nakikilalang karnaper  saka tinangay pa ang sasakyang minamaneho ng una kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima, na kaagad na nasawi sanhi ng tama ng bala sa bandang likuran ng ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa report na natanggap ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-7:45 ng gabi sa harapan ng Express Payment Center sa Binanza St., Brgy. 189, Zone 20 ng nabanggit na lungsod.

Ayon  sa pahayag ng isang nakasaksi sa insidente, nasa loob aniya  siya ng Express Payment Center nang makarinig ng putok ng baril sa labas.

Nabatid sa saksi, isang lalaki ang umano’y nakita nitong lumabas mula sa likod ng isang  sasakyan at nagtungo sa harapan (drivers side) ng isang Toyota Innova at hinatak palabas ang duguang biktima, bago sumakay at itinakas ang sasakyan patungo sa hindi mabatid na direksiyon.

Sa teyorya ng pulisya, posibleng karnaper ang suspect, na nasa loob na o pasahero  na bumaril sa biktima na tumangay ng naturang sasakyan. Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with