^

Metro

5,300 pulis idedeploy sa UNDAS –NCRPO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5,300 pulis idedeploy sa UNDAS �NCRPO

Dagsa na ngayon pa lamang ang mga pasahero sa  bus terminal sa Araneta sa Cubao, Quezon City kaugnay sa nalalapit na paggunita sa Araw ng mga Patay. (Kuha ni Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Walang namo-monitor na terror threat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng paggu­nita sa UNDAS sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ni NCRPO Chief P/Director Oscar Alba-yalde na sinabing 5,300 pulis  ang nakatakda nilang ideploy upang magbigay seguridad sa publiko partikular na sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila.

Sinabi ni Albayalde na uumpisahan nila ang deployment sa Linggo at ang full deployment ay isasagawa naman sa Lunes ( Oktubre 30).

Inihayag ng opisyal na bukod dito ay may 1,900 mga brgy. tanod at mga sibilyang volunteers na magsisilbing force multipliers ng pulisya.

Si Albayalde at Quezon City Police District Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ay nagsagawa ng pag-iinspeksyon sa mga bus terminals, malls at LRT stations sa Cubao, Quezon City.

Inihayag ni Albayalde  na sa kabila ng pagkakaaresto sa financier ng Maute-ISIS  na si Rasdy Malawani sa Quezon City nitong Huwebes ay wala silang namo-monitor na terror threat sa UNDAS  na matapos ang okasyon ay ikakasa naman ang seguridad sa nalalapit na ASEAN Summit sa darating na Nobyembre.

“ We are on top of the situation and  we have not monitored any potential terror threats that could disrupt the All Saint’s Day and our preparation for the ASEAN Summit this November,” ani Albayalde.

 Inihayag ni Albayalde na wala rin silang namo-monitor na terror cells ng ISIS o anumang grupo ng mga terorista sa Metro Manila.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na nakaalerto ang NCRPO upang hindi makapagsamantala ang masasamang elemento at nanawagan rin sa mga sibilyan na maging vigilante  at maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with