^

Metro

Ilang lugar sa Metro, sarado simula Nob. 11

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling pinaalala-hanan ng Metro Manila Development Authori­ty (MMDA) ang mga motorista, na simula sa  Nobyembre 11 ng taong kasalukuyan ay sarado ang ilang lugar sa Metro Manila para sa  ika- 31st  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin  sa bansa.

Sa abiso ng MMDA kahapon, simula alas-10:00 ng gabi ng Nob­yem­bre 11 ay ipatutupad ang lockdown  sa  SMX Convention Center sa Pasay City.

Kinabukasan, Nobyembre 12 ang buong CCP Complex ay sarado sa mga motorista at pedestrians.

Samantala, simula naman ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-12:00 ng hapon ng Nobyembre 13 magpapatupad ng lockdown sa Roxas Boulevard mula  Buendia Avenue hanggang P. Burgos, kung kaya’t ipinagbabawal na dumaan ang anumang uri ng behikulo at dumaan na lamang sila sa mga alternatibong ruta.

Bukod dito, simula ng Nobyembre 11 hanggang 15, ang lahat  trucks at closed vans ay hindi pinapayagang bumagtas sa kahabaan ng SCTEX, NLEX, mula  Clark hanggang  Balintawak at  EDSA , mula  Balintawak hanggang Magallanes, Makati City.

Asahan aniyang ma-kakaranas ng pagsisikip  ng daloy ng trapiko ang mga motorista sa ilang kalye sa Metro Manila.

Dahil dito, nauna nang inanunsiyo ng pamahalaan base sa rekomindasyon ng MMDA, na suspendido ang eskuwela sa Metro Manila ng isang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with