^

Metro

Grade 10 student, todas sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Grade 10 student, todas sa tandem

Sa imbestigasyon ni PO3 Dollente Jerome, nabatid na ang pagbaril at pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-7:45 ng gabi sa Gerald Avenue, corner Babuyan Alley, Pro-ject 8, Brgy. Bahay Toro, Quezon City. File

MANILA, Philippines — Isang grade-10 student ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang riding-in tandem, habang ang biktima ay naglala­kad pauwi sa kanilang tahanan galing sa isang birthday party sa Quezon City,  kamakalawa ng gabi.  

Ang biktima ay kinila-lang si Kevin Reantaso, 16, grade 10 student ng Villager Montessori College at nakatira sa  Paradise Village, Brgy. Sangandaan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dollente Jerome, nabatid na ang pagbaril at pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-7:45 ng gabi sa Gerald Avenue, corner Babuyan Alley, Pro-ject 8, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Ayon sa report,  ka­sa­ma ng biktima ang kanyang kaibigan na si Lance Zalgado na naglalakad pauwi galing sa birthday party ng kanilang kaibigan  na si Amiel Airen Paz nang sila ay sundan ng rinding in tandem ay walang sabi-sabing pagbabarilin ang biktima.

Kahit may tama ng ang biktima ay nagawa pa nitong makatakbo pero hinabol pa rin siya ng dalawang suspek na kapwa nakasuot ng helmet at nang abutan ay muli itong binaril hanggang makitang bumulagta.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek, sakay ng kanilang motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Ayon sa pamilya ni Reantaso, wala silang alam na kaaway ang biktima  at hindi rin umano ito sangkot sa iligal na droga.

Dalawang slug ng kalibre 38 baril ang narekober mula sa pinangyarihan ng insidente.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen, makilala at madakip ang dalawang salarin ng estudyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with