^

Metro

Truck attack: 5 patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Truck attack: 5 patay

Ang 22-wheeler truck na umararo sa mga bystanders at mga sasakyan sa IBP Road sa QC. Makikita ang isang sasakyan na napipi ng ‘nagwalang’ trak.

MANILA, Philippines — Lima ang patay, ha­bang 12 ang nasugatan makaraang suyurin ng isang 22-wheeler truck na may sakay na malalaking bakal ang mga bystander at ilang nakaparadang sasakyan, nang mawalan umano ng preno habang binabagtas ang palusong na bahagi ng IBP Road, sa Brgy. Batasan, Quezon City, kahapon ng hapon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng mga biktima, na ang isa ay dead-on- the-spot, habang apat ang nasawi sa pagamutan.

Gayunman, isa sa mga biktima ay sinasa-bing miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), matapos na ma­ku­hanan ng identification card na tumutukoy sa pangalang SFO2 Enrique Paegane.

Batay sa ulat ng Que­zon City Police District (QCPD)-Traffic Sector,  dakong alas-3:30 ng hapon nang ma­ganap ang aksidente sa palusong na bahagi ng San Mateo IBP road sa naturang barangay.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang naturang truck na may plakang PUW-454 makaraang hindi kumagat ang pre­no ng sasakyan dahil sa bigat na kargang malalaking bakal hanggang sa tuluyan itong tuma-gilid at bumagsak ang mga karga..

Inararo ng truck ang mga bystander at sasak-yan sa lugar na nagresulta ng pagkamatay sa mga biktima at malubhang pagkakasugat ng iba pa.

Kabilang sa mga sasakyang nadisgrasya nito ay tatlong pribadong sasakyan at isang pampasaherong jeepney na may plakang AEH 792.

Nasugatan rin ang mismong tsuper ng trak.Lumikha naman ng ma­sikip na daloy ng tra­piko sa mga motorista ang naganap na aksidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with