^

Metro

Sekyu nagbaril sa sarili sa harap ng CCTV

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humarap muna sa   Closed Circuit Television (CCTV) sa pinagtatrabahunan nitong gusali ang isang security guard bago nagbaril sa dibdib na naging dahilan ng kanyang  kamatayan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Ro­delio Marcelo, hepe ng CIDU-QCPD, ang nasawi  na si Mark Joseph Pia, 23, binata, secu-rity guard ng Ultimate Shield Security Agency at nakatira sa San Joaquin, Pasig City. 

Namatay noon din si  Pia sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng cal. 9mm sa kaliwang dibdib na tumagos sa likuran.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Ronnie Ereno, ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi sa binabantayan nitong  Ibon Center building na matatagpuan sa Timog Ave., Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

Ayon kay Rolando Calvez, kasamahang guwardiya ng biktima, naglalakad  siya papasok sa gusali upang palitan sa pagdu-duty si Pia nang makarinig siya ng isang malakas na putok ng baril. Agad niyang tinungo ang pinagmulan ng putok ng baril at doon ay nakita niya ang biktima na duguang nakahandusay at wala nang buhay. 

Sa pagresponde ng mga awtoridad ay kanilang nakita sa kuha sa CCTV ang tila laban at bawi o urong sulong ang pagpapakamatay ng biktima makaraang itutok ang kanyang baril sa dibdib at biglang aalisin hanggang makalipas ay isang minuto ay tuluyan ng nagdesisyon na magbaril sa sarili.

Isang nakakakilala sa biktima na tumangging ihayag ang pangalan ng nagsa-bing babae ang dahilan ng pag­papakamatay ng biktima pero hindi na idinetalye kung binasted ito o nakipaghiwalay sa kanya.

Nakuha ng QCPD-SOCO ang isang  9mm na service firearms ng biktima na may laman na apat na bala at isang basyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with