Paghuhukay, road repair sinuspinde ng MMDA
Simula nov. 1 hanggang jan. 15, 2018
MANILA, Philippines — Para hindi makadagdag ng trapik ngayong Kapaskuhan, sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghuhukay at pagkukumpuni ng mga daan simula Nobyembre 1 hanggang Enero 15, 2018
Sinabi kahapon ni Jojo Arturo Garcia, MMDA assistant general manager for planning, ang mga paghuhukay aniya sa mga major roads ay dapat munang itigil dahil nakakadagdag ito ng masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
“Pinatawag natin ang DPWH, telcos, Maynilad, water utility companies na kung pwede i-request natin na yung ginagawa nila stop na muna, takpan ng aspalto para madaanan na muna,” sabi ni Garcia.
Sinabi ni Garcia sa naturang moratorium sakop lamang ay ang mga proyekto sa mga major at city roads.
Kabilang dito ang anumang uri nang paghuhukay sa mga kalye at bangketa para sa improvement ng water pipes, telepono, telegraph wires o cable conduits, sewers, drainage systems, communication at power line improvements, na proyekto na gobyerno, pampubliko at pribadong contractors.
Nabatid kay Garcia na ang government flagship projects ay exempted mula sa suspension o moratorium hanggang Enero, 2018.
Ayon sa MMDA, dapat aniyang tiyakin ng lahat ng pampubliko at government agencies na ang mga daan na nasa ilalim ng kanilang proyekto ay dapat maayos ang pagkakagawa, passable, malinis at dapat madadaanan ng maayos ng lahat ng behikulo at mga pedestrian. “We gave them 24 hour to report to us ang mga ongoing projects nila, titingnan natin ang suggestion nila kung pwede tapalan at magre-resume ang work nila ng January 15,” ani pa Garcia.
- Latest