^

Metro

‘Salisi’ timbog sa ospital

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang isang 37-anyos na ‘salisi’ matapos itong makaraang matimbog ng mga guwardiya ng isang pampublikong ospital matapos ireklamo ng nabiktima nitong ginang na pinagnakawan ng sling bag sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Itinurn-over na sa Manila Police District-Station 3-Alvarez Police Community Precinct ng mga sekyu ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspek na si Gil Echelar, tubong Bongabon, Nueva Ecija.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Arnold Thomas Ibay, inireklamo ng biktimang si Margie Aromas, residente ng Tondo, Maynila, na sinikwat ng suspek ang kaniyang sling bag habang nasa loob sila ng waiting area ng Emergency Room dakong alas 4:20 ng madaling araw.

Abala umano ang biktima sa pag-aasikaso sa isang kaanak na isinugod nila sa ospital at hindi nito namalayan ang naiwang bag, hanggang sa sinamantala na ng suspek na nakawin ito.

Nang palabas na ng ospital ang suspek ay nakita siya ng kaanak ni Aromas at agad isinuplong sa mga sekyu at nabawi ang nasabing bag na naglalaman ng pera at iba pang personal na gamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with