^

Metro

Malaysian sugatan sa hataw ng martilyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maituturing na masuwerte ang isang Malaysian at hindi kamatayan ang kanyang sinapit kundi malubhang mga sugat lamang ang kanyang tinamo makaraang paghahatawin umano ng martilyo ng isang hindi nakilalang lalaki habang sakay siya ng isang UV Express van kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Putra Asmarra Bin Che Nan, 36-anyos, pansamantalang nakikipanuluyan sa kapwa Malaysian na si Perdana Sitiawan Perak sa lungsod ng Maynila. Bigo naman na makilala ang salarin na umatake sa kanya.

Sa salaysay ng biktima sa Navotas City Police, sakay siya ng isang UV Express van mula Malate sa Maynila at patungo sa Navotas nang maganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi.

Nagbabaan na umano ang ibang sakay ng van hanggang sa sila na lamang ng suspek ang natira sa loob ng van. 

Pagsapit sa may M. Naval St., sa Brgy. Daanghari ay pumara na ang biktima. Ngunit bago ito makababa ay bigla siyang pinagpapalo ng suspek gamit ang isang martilyo sa ulo at katawan na tinangka naman niyang salagin.

Mabilis na tumakas ang suspek na sinubok pang habulin ng biktima ngunit hindi na niya ito inabutan.      

Dito na lamang siya humingi ng saklolo sa mga tao sa lugar at nagpahatid sa istasyon ng pulisya para iulat ang nangyari sa kanya.

Inaalam naman ng Navotas Police kung may CCTV camera sa lugar na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Dinala naman agad ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with