^

Metro

2 kelot inutas sa Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang natagpuang mga patay na matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa isang madilim na bahagi ng isang barangay na kilala sa pagiging talamak sa mga aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga sa Taguig City kamaka­lawa ng gabi.

Isa sa mga nasawi ay nakilalang si Lyndon Trinidad, 29-taong gulang habang patuloy pang kinikilala ang isa pang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at short pants at tinatayang nasa pagitan ng edad 25-30 taong gulang.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, pasado alas-11 ng gabi nang makarinig ang mga residente ng magkakasunod na putok ng baril sa may kanto ng Road 6 at Maguindanao Street sa may Brgy. New Lower Bicutan.

Hindi umano bababa sa walong putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar. 

Nang humupa ito, dito na natuklasan ng mga opisyal ng barangay ang dalawang bangkay ng mga biktima habang wala na ang mga sa­larin. Anim na basyo ng bala ang natagpuan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives. 

Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaril dahil sa sarado ang bibig ng mga residente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with