^

Metro

‘Journalist’ arestado sa dalang baril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa hotel ng ASEAN Summit delegates

MANILA, Philippines — Arestado ng mga security personnel ng isang hotel kung saan nanunuluyan ang mga delegado ng ASEAN Summit sa Pasay City ang isang 24-anyos na lalaking nagpakilala bilang freelance journalist makaraang mahulihan ng isang baril na tinangka nitong ipasok sa hotel, kamakalawa ng hapon.

 Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act ang suspek na si Jeffrey Datuin.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, inaresto si Datuin ni PO1 Adrian Jack Ancheta dakong alas-3:35 ng hapon sa isang hotel na hindi binanggit ng pulisya para sa seguridad.  Ito ay makaraang iulat ng security guard ng hotel sa pulis ang pagkakadiskubre ng baril sa backpack bag ng suspek nang isailalim ito sa x-ray machine.

Nang isailalim sa ins­peksyon, nadiskubre sa poses­yon ng suspek ang isang kalibre .22 na baril na kargado ng walong bala na inamin namang pag-aari niya ito.  Ikinatwiran niya na nakalimutan lamang niyang iwan sa kanyang bahay ang baril bago siya umalis.

Agad na dinala sa Pasay City Police si Datuin at isinasailalim sa masusing imbestigasyon upang mabatid kung ano ang kanyang pakay sa hotel at ang dahilan ng pagdadala niya ng naturang baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with