^

Metro

8 tindera tiklo sa entrapment

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walong  tindera ang arestado matapos na mabigong mabayaran ang mahigit isang milyong pisong pagkakautang sa isang negosyante na kanila pang pinagbantaan sa isang entrapment operation ng pulisya sa Pateros kahapon ng madaling araw.

Nasa kustodya na ng Pateros Police ang mga suspect na sina Luz Ulila; Mercedita Mina; Lorenie Baterna; Zenaida Manipon; Zibeth Aquino; Gloria Portodo; Angie Suarez at Elizabeth Jalbuna.

Ayon sa report ng Pateros Police, umutang ang mga suspect ng halagang P1.3 milyon mula sa negosyanteng nagpatago ng pangalang alias “Michael” para ipangpuhunan sa kanilang sari-sari store. 

Bukod sa  hindi umano nabayaran ng mga kababaihang suspect ang naturang halaga sa kabila na paulit-ulit silang sinisingil ng biktima, humirit pa sila ng halagang  P200,000.00. Nagbanta pa umano ang mga suspect na kapag hindi sila pinautang ay hindi nila babayaran ang kanilang mga utang.

Dahil dito, nagharap ng pormal na reklamo ang naturang negosyante sa tanggapan ng Pateros Police na nagkasa ng entrapment operation.  

Pasado alas-2:00 ng madaling araw nang isagawa ang entrapment operation laban sa mga suspect sa isang fast food chain sa Brgy. San Roque ng nabanggit na ba­yan.

Nang maiabot na ng mga alagad ng batas ang entrapment money na nagkakahalaga ng P200,000 dito na nabulaga ang mga suspect nang arestuhin sila ng mga pulis.

Katuwiran ng mga suspect, na nagkaproblema sila kung kaya’t hindi nila nabayaran ang kanilang utang, subalit hindi pumasa sa mga pulis ang kanilang alibay at tinuluyan silang dakpin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with