^

Metro

Jeepney operator, driver itinumba!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jeepney operator, driver itinumba!

Sinusuri ng Scene of the Crime Operation (SOCO) team ang bangkay ng jeepney operator na si Candido Siarot at kanyang driver na si Roberto Cadacio matapos silang malapitan na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagkukumpuni ng pampasaherong jeepney sa may Panorama St., Concepcion 2, Marikina City kahapon. Kuha ni Joven Cagande
 

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kainitan sa isyu ng “jeepney modernization” ng gobyerno, isang jeepney operator at driver nito ang pinagbabaril hanggang na mapatay ng riding-in-tandem habang abala sila sa pagkukumpuni ng pampasaherong dyip sa Brgy. Concepcion Dos, Marikina City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing ope­rator na si Candido Siarot, 55, ng Purok Uno, Zone 8,  Cupang, Antipolo City at driver na si Roberto Cadacio alyas ‘Muslim,’ ng Cogeo, Antipolo City.

Hindi  pa kilala ang dalawang suspek na hinihinalang hired killers na mabilis na tumakas matapos ang krimen, sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong ala-1:00  ng madaling araw habang abala ang dalawang biktima sa pagkukumpuni ng pampasaherong jeepney sa Waco Street, kanto ng Panorama Street sa Barangay Concepcion Dos nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo. Bumaba ang backrider ng motorsiko at nilapitan ang mga biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Isa namang alyas ‘Romy’ ang itinuturing ng mga awtoridad na “person of interest” sa krimen na umano’y nakaalitan ni Siarot.

Sinabi ni Erlinda Ocampo, 27, manugang ni Siarot, sa pulisya na bago naganap ang pagpatay ay nakaaway ni Siarot si Romy dahil sa kanilang trabaho. Nagbanta umano si Romy na kanyang papatayin ang naturang jeepney operator.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng Marikina police para madakip si Romy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with