^

Metro

Laptop ni Atio, isinumite sa MPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtungo kahapon sa Manila Police Dsitrict-Ho­micide Section ang mag-asawang sina Horacio Jr. at Carmina Castillo para isumite ang personal laptop ng anak para sa posibleng karagdagang ebidensiya.

Dakong ala 1:30 ng hapon nang dumating ang mag-asawang Castillo sa MPD.

Layunin nila na mabuksan at mabusisi ang laptop ni Horacio III sa pagbabakasakali na makakuha pa ng karagdagang impormasyon at ebidensiya na makatutulong sa pagsulong ng kaso laban sa Aegis Juris Fraternity members and officers na nahaharap sa mga kasong kriminal kaugnay sa hazing at pagkamatay ng biktima.

Samantala, sinabi ng mag-asawa na ang iba pang gamit ng anak tulad ng cellphone, relos at eyeglasses, ay hindi pa umano naisosoli sa kanila na pinaniniwalaang nasa mga miyembro ng nasabing fraternity.

Sinabi naman ni MPD spokesman Supt. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD na ang mga nawawalang personal belo­ngings ni Castillo ay basehan sa paghahain ng kasong robbery laban sa 16 na miyembro ng Aegis Juris na sangkot sa Castillo ha­zing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with