^

Metro

Nangba-blackmail sa social media arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak  sa kulungan ang 28-anyos na lalaki sa isinagawang entrapment operation makaraang bantaan ang kanyang dating kasintahan na ipo-post sa isang social media apps ang kanyang hubad na larawan at video, kamakalawa ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang suspek na si Jaymar Gozon, 28, binata, residente ng Bauza Street, Brgy. Bagumbayan South, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, unang dumulog sa Malabon City Police ang biktimang si Camille, 25, at inireklamo ang dating kasintahan na si Gozon na ipinost sa pamamagitan ng private message (PM) sa Messenger application ang kanyang hubad na larawan at videos na wala siyang pagsang-ayon.

Nagbanta pa umano ang suspek na ipo-post ang mga larawan at video sa Facebook para makita ng publiko kung hindi makikipagkita sa kanya.

Dito na nagplano ng entrapment operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 habang nakipagkasundo si Camille kay Gozon na makikipagkita.  Hindi na nakapalag si Gozon nang dakpin ng mga pulis sa loob ng isang fastfood chain sa may Rizal Ave., Brgy. Tañong, Malabon.

Nakumpiska rin sa suspek ang kanyang Samsung Duos cellular phone kung saan naka-store ang mga hubad na larawan at videos ng biktima.

Nahaharap ngayon si Gozon sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at grave coercion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with