^

Metro

International online sex trafficking syndicates, nalansag

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalansag ng mga operatiba ng pulisya ang isang international online sex trafficking syndicate na nambibiktima ng mga menor de edad matapos na masakote ang dalawang operator sa operasyon sa Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila kamakailan.

 Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Sr. Supt. Villamor Tuliao, Chief ng Anti-Trafficking in Person ng PNP-Womens and Childrens  Protector Center ang mga nasakoteng suspect na sina Anthony Mabansag at Jamil Sampaga.

Ayon sa opisyal , nasakote ang mga suspect sa inilunsad na operasyon sa Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila  matapos naman silang makatanggap ng mga reklamo hinggil sa pagkakasangkot ng mga ito sa illegal na aktibidades.

 Sinabi ng opisyal na ang mga suspect ay dinakip matapos na dumulog sa kanilang tanggapan ang pamilya ng isang 17- anyos na dalagita na ibinugaw ng mga suspect sa kustomer nilang dayuhan.

Lumilitaw sa imbestigasyon  na inaalok ng P 5,000 ng mga suspect ang kanilang ibinubugaw na mga menor de edad kapalit ng pagbibigay ng mga ito ng serbisyong sekswal sa kanilang mga kliyente na sinisingil naman ng P 20,000 hanggang P30,000 sa isang gabing panandaliang aliw. Inihayag ng opisyal  na umaabot ng isang taon ang isinagawang surveillance operation para maaresto ang mga suspect .

Naniniwala naman ang opisyal na ang dalawang suspect ay kabilang sa mas malawakang operasyon ng online sexual exploitation ng mga bata sa bansa.??

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mga nasakoteng suspect na  nahaharap sa kasong  paglabag sa kasong Republic Act (RA) 10364 o ang Anti Trafficking in Persons Act, Anti Child Pornography Act, Cyber­Crime prevention Act of 2012 at Anti Child Abuse Law. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with