^

Metro

Marawi rehab ginagamit sa kotong: 2 timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog ng pulisya ang dalawang lalaking nagpapanggap na kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) at nanghihingi ng  donasyon sa mga local official para sa rehabilitasyon ng Marawi, kamakalawa sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang mga suspect na sina Ricardo Simbulan, 63 at Mitus Sampayan, 39, kapwa nakatira sa Brgy. Pembo ng nasabing lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Jerry Umayao, hepe ng Makati City police alas-2:00  ng hapon nang madakip ang mga suspect sa isang entrapment operation na ikinasa ng kanyang mga tauhan sa isang pawnshop  sa JP Rizal Extension,  Brgy. Comembo ng naturang lungsod.

Kaugnay ito ng iniharap na reklamo ng DILG sa pamamagitan ng kanilang kinatawan  na si Michael So, 42.

Napag-alamang nagpapanggap umano ang mga suspect na finance officer mula sa tanggapan ni DILG OIC Catalino Uy at nanghihingi  ang mga  ito ng perang donasyon sa mga local official, na gagamitin para sa Marawi City Rehabilitation Program.

Dahil dito ikinasa ang bitag laban sa dalawa kung saan sa naturang pawnshop  umano ihuhulog ng kanilang biniktima ang perang donasyon, doon na rin natimbog ang mga suspect na sasampahan ng kasong swindling at extortion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with