^

Metro

100 bagong mga jeep, papasada na!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
100 bagong mga jeep, papasada na!

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III,  may 180,000 jeepneys nationwide  ang papalitan ng mga bagong unit sa ilalim ng  public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines — Papasada na   bago matapos ang taon ang may 100 mga bagong jeep sa mga lansangan sa bansa partikular sa Metro Manila na umanoy magiging kapalit ng mga bulok na jeep na hindi na papayagan pang makapasada.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III,  may 180,000 jeepneys nationwide  ang papalitan ng mga bagong unit sa ilalim ng  public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sa unang araw ng Enero 2018 ay wala na ang mga bulok na pampasaherong jeep sa kalye.

Noong October 12 ay nangasiwa ng Expo ng mga updated modern jeepneys ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Trade and Industry kung saan ang mga local  manufacturers  ay nagbuo ng mga prototype vehicles na naaayon sa  DOTr specifications.

Nais ng pamahalaan na palitan ang mga bulok na jeep na may edad 15 taon pataas  ng mga environment-friendly jeepneys na may mga  safety features.

Sa buong bansa ang jeep ang pinakamaraming sasakyan na gamit ng mga Pinoy.

Una rito, inamin ng LTFRB sa house hearing na kulang pa sila sa pag­hahanda sa gagawing modernization program sa mga passenger jeepney kayat ang ilang mambabatas ay tumawag ng pansin na ayusin munang mabuti ang pagpaplano hinggil sa jeepney phaseout bago ito tuluyang maipatupad.

May 600,000 jeepney drivers at operators naman ang maaapektuhan sa gagawing jeepney phase out ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with