^

Metro

2 MTPB, brgy traffic enforcer huli sa kotong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng kanilang kampanya na malinis ang hanay, dalawang tauhan ng  Manila Traffic and Parking Bureau ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa panulukan ng Benavidez at Recto sa Maynila.

Sa report na tinanggap ni MTPB Director Dennis Alcoreza nakilala ang mga na­dakip na sina Adrianne Halili at Salvador Ignacio na mga kawani ng MTPB at Leonardo Adrales, isang barangay traffic enforcer na nagpanggap rin na taga MTPB. 

Sinabi ni  Mark Orieta ng Internal Affairs Office MTPB, sadyang minomonitor na nila ang kilos ng mga naarestong traffic enforcer  dahil sa reklamo ng pangongotong na kanilang natatanggap.

Ayon naman kay MPD Station 11 commander Supt. Amante Daro, dakong alas-3:00 ng hapon nang naganap ang insidente sa kanto ng Benavidez at Claro M. Recto kung saan nakuhanan ng cellphone video ang ginawang pangongotong ng tatlo.

Nakuha sa bulsa ni Halili ang P50 na  ibinigay sa kanila ng taxi driver na kanilang kinotongan. Nabatid na una umanong humingi ng P500 ang mga suspek pero nagkatawaran hanggang sa umabot sa P50.

Itinanggi ni Adrales ang mga paratang at sinabing wala siyang partisipasyon sa panghuhuli dahil wala naman siyang paniket at itinanggi na siya ay nangongotong. Tumanggi rin si Ignacio na may kinalaman siya sa  nangya­ring kotongan dahil alam naman  umano ng driver kung sino ang kausap niya.

Wala namang masabi si Halili dahil siya ang tumang­gap ng P50 mula sa taxi driver.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with