^

Metro

Fil-Am inutas sa loob ng taxi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Fil-Am inutas sa loob ng taxi

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng hapon nang magtungo ang hindi nakilalang suspek sa bahay ng biktima at nagtanong sa posibleng pagrenta sa isa sa apartment unit ni Fermo. File

MANILA, Philippines — Isang Filipino-American ang nasawi makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin habang sakay ang una sa  isang taxi sa may Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Inisyal na nakilala ang biktima na si Antonio Fermo, 63, isang dual citizen, at residente ng Filomena St., Brgy. Marulas, ng naturang lungsod.  Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan dahilan ng kanyang agad na pagkasawi.

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng hapon nang magtungo ang hindi nakilalang suspek sa bahay ng biktima at nagtanong sa posibleng pagrenta sa isa sa apartment unit ni Fermo.

Nakita pa na lumabas ng bahay at sumakay ang dalawa sa isang taxi na ipinapasada ni Fernandez Marcos. Nang makarating sa may MacArthur Highway sa Brgy. Dalandanan, bigla na lamang nagbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Inatasan ng salarin si Marcos na ihinto ang taxi saka itobumaba at sumakay sa naghihintay na puting van na agad na humarurot patungo sa direksyon ng Brgy. Malanday.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 at tinangka na habulin umano ang van ngunit nabigo na makita ito.  Dalawang basyo ng bala ang natagpuan naman sa loob ng naturang taxi.

Blangko pa naman ang mga imbestigador sa motibo ng pamamaslang habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon sa background ng biktima.  Inaalam rin kung may closed circuit television camera na nakakabit sa lugar ng krimen sa pag-asang nahagip ang salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with